Wednesday, September 14, 2011

Our Prayer

Pinupuri Ka namin, Panginoon!  Sinasamba Ka namin sa spiritu at katotohanan!

Panginoon, maraming salamat sa araw na ito.  Tinatanggap namin ang mga kaloob Mong biyaya at tagumpay sa lahat ng aspeto ng aming buhay.

Dalangin po namin na patuloy Niyo po kaming gabayan bilang mga tagapaglingkod Mo.  Gawin Mo kaming daluyan ng Iyong biyaya, kagalingan at mirakulo sa lahat.  At nawa'y lahat ng aming ikikilos at iisipin sa araw na ito ay magbigay papuri sa Iyo.

Patuloy Niyo pong basbasan ang Dance Ministry na kami'y yumabong at maging isa sa pananampalataya at pagsamba sa Iyo.

Kasama ng Mahal na Birheng Maria, hinihiling namin ang lahat ng ito sa Ngalan ni Hesus.

Amen.

This is our dance ministry prayer and we all pray this everyday at 8:00 in the morning.  With GOD in our midst, we know our ministry is BLESSED.